Late, Late, Late...
Pumasok na naman ako kanina ng late... 1:00pm ang class ko... dumating ako sa class at 2:00pm... Akalain mo ba naman, 1 hour na akong late pero pumasok pa rin ako... Nagmukha tuloy makapal ang mukha ko... hehehe buti hindi nagalit ung professor ko sa akin... sa katunayan nga hindi niya ako nilagyan ng Absent or Late sa attendance sheet niya... Astig!! Napainom ako kagabi kaya na late ako... mga 4:00am na ako nakatulog dahil nag laba pa ako ng damit ko... grabe, puyat na nga ako pagod pa... pero ok lang at least nakakaraos pa rin...
Wala pa rin akong Cellphone... huhuhu di ko tuloy macontact mga kaibigan ko... sana makabili na ako kahit ung mura lang... panandalian ko lang naman gagamitin un... pag nagkapera ako bibili ako ng mas maganda... hehehe...
May dream catcher ako, pero hindi gumagana eh... nagkaroon ako ng napaka nakakatakot na panaginip... pinatay daw ng mga monster ung mga classmate ko... tapos ako lang ung natira... waaahhh!!! ayoko ng ganitong klase na panaginip... ipapaayos ko itong dream catcher ko... baka nasira ung mga circuits nito...
peace out!!


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home